Masaya ako ngayon sa pagiging estudyante, hindi dahil sa baon, o kaya sa recess. Masaya ako dahil ramdam ko kung ano talaga ang ibig sabihin ng mauhaw sa karunungan, 'yun bang mag nais ang puso na maintindihan ang mga bagay bagay na dati ko ng alam sa mababaw na perspektibo, ngayon mas gusto ko s'yang alamin dahil alam mong kulang pa ang alam ko...at higit sa lahat, dahil napupunan n'ya ang malalalim na tanong, mas nagkakalinaw ang mga di maintindihan,
Pero nagbubukas din ang pag-aaral na ito ng mas nakakatakot na mga tanong, mas nakakagulong perspektibo, at mas nakakagulat na kaalaman...pero sabi ko nga, masaya ako...siguro kung ang uhaw na ito ay nadama ko noon marahil ay hindi ako nag asawa, marahil ay naka abito din ako at nasa pulpito (pero hindi ako magpapalabas ng mga pabor sa RH Bill)...marahil nasa ibang digmaan din ang aking puso, nasa ibang pakikibaka....
Yan, di lang kaalaman ang nabubuksan ng kasalukuyang pag-aaral, maging mga nakaraang pangarap ng limot ng kabataan....minsan nakakatawa ang Diyos...hindi ka tatagpuin sa daang inaasahan mo, dati akala ko parang gusto N'ya palaging magtagpo kayo na animo'y magkalaguyo, hindi lantaran, tago....di planado, spur of the moment sabi ng kano...pero ngayon binabalikan ko ang buhay ko, nalintikan na, planado N'ya 'ata ang lahat...
Pagharap ko mamaya sa salamin, feeling ko ako si Po, the Dragon Warrior...ang katauhan ko ay isinulat ng Diyos umpisa sa aking bawat nakaraan hanggang ngayon sa oras ng pag blo-blog kong ito....
Di ko tanto ang bukas...natutuwa ako sa nakaraan...at busog ako sa aking ngayon sa kabila ng panaka-nakang kaguluhan at pagkabalisa....ngayon nag-aaral ako hindi para sa grado, hindi para sa employment requirement....ngayon nag-aaral ako dahil nabubuo ang bahagi ng aking pagkatao sa bawat natututunan....

No comments:
Post a Comment